Linggo, Setyembre 18, 2016

Ginagamit mo pa ba ang kinalakihang wika natin? O ito ay nakalimutan mo na? Ang wika ay sumasalamin sa ating pagkatao at sa ating kultura. Dito rin napapakita ang pagkakaisa natin. Napapakita rin natin sa ating wika ang ating iisang kultura. Dahil sa makabagong henerasyon natin ngayon ay unti unti na itong nakakalimutan.

Dahil sa makabagong teknolohiya na naimbento ay naging madali na ang pag papadala natin ng mga mensahe kagaya ng Text at iba pa gamit ang ating mga Cellphone. Iba't ibang wika na ang mga umusbong sa panahon natin. Kagaya na lamang ng aking mga nababasa sa mga Social Networking Sites na nagpalaganap ng mga salitang " Jejemon, Slang at Beki Words" na nakakasira sa ating pambansang wika. Unti unti na rin nating nakakalimutan ang ating kultura dahil na nga sa mga Social Networking Sites tulad ng Facebook, Twitter , Instagram at iba pa. Dahil gusto rin ng mga Pilipino na mapadali ang kanilang pakikipag komunikasyon ay pinapaikli nila ang mga salita tulad ng "Kamusta" ay ginagawa na lamang na "Musta" na hindi angkop na gamitin sa mga pormal na pikikipag usap. Ito ay mabilis na kumalat dahil tayo ay mahilig maki uso kahit ito ay nakaka apekto sa ting kultura at kasarinlan.

Sana kahit makabago na ang ating teknolohiya ay wag natin makalimutan ang ating kinagisnang wika. Oras na ito ay ibaon sa limot ay hindi na ito maibabahagi pa sa mga susunod na henerasyon.


Huwebes, Setyembre 15, 2016

                         Pagkain na Masarap 

                           Balik Balikan

                           Tira Tira Candy
Naalala nyo pa ba ang pagkain na ito? Ito ang tinatawag na "Tira Tira". Ito ay makaluma na caramel candy.Ito ay isa sa paboritong himagas ng mga Pilipino. Ngunit kadalasan ay hindi na kilala ang himagas na ito dahil na rin sa mga bagong mga pagkain na umusbong sa panahon ngayon. Ang "Tira Tira" ay paboritong ng mga bata noong 60' at 70'. Ito ay matamis at nakabalot sa Japanese Paper o Wax Paper. Ito ay gawa sa brown sugar o muscovado sugar at gata (coconut milk). Ito ay medyo matigas kaya kadalasan ay nakakasira ito ng ngipin ng mga bata na kumakain nito. Ito ay isa sa masarap balik balikan na mga pagkain ng mga Pilipino.