Ginagamit mo pa ba ang kinalakihang wika natin? O ito ay nakalimutan mo na? Ang wika ay sumasalamin sa ating pagkatao at sa ating kultura. Dito rin napapakita ang pagkakaisa natin. Napapakita rin natin sa ating wika ang ating iisang kultura. Dahil sa makabagong henerasyon natin ngayon ay unti unti na itong nakakalimutan.
Dahil sa makabagong teknolohiya na naimbento ay naging madali na ang pag papadala natin ng mga mensahe kagaya ng Text at iba pa gamit ang ating mga Cellphone. Iba't ibang wika na ang mga umusbong sa panahon natin. Kagaya na lamang ng aking mga nababasa sa mga Social Networking Sites na nagpalaganap ng mga salitang " Jejemon, Slang at Beki Words" na nakakasira sa ating pambansang wika. Unti unti na rin nating nakakalimutan ang ating kultura dahil na nga sa mga Social Networking Sites tulad ng Facebook, Twitter , Instagram at iba pa. Dahil gusto rin ng mga Pilipino na mapadali ang kanilang pakikipag komunikasyon ay pinapaikli nila ang mga salita tulad ng "Kamusta" ay ginagawa na lamang na "Musta" na hindi angkop na gamitin sa mga pormal na pikikipag usap. Ito ay mabilis na kumalat dahil tayo ay mahilig maki uso kahit ito ay nakaka apekto sa ting kultura at kasarinlan.
Sana kahit makabago na ang ating teknolohiya ay wag natin makalimutan ang ating kinagisnang wika. Oras na ito ay ibaon sa limot ay hindi na ito maibabahagi pa sa mga susunod na henerasyon.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento